episode 34 ( a walker…)

Perstaym kong makitang seryoso si Vanessa, napaka kalog nya kase at madalas na nakasigaw kapag tinatawag nya ako. Well siguro  nakikiluksa sya sa nangyare kay Nanay. Kaya ako na lang ang unang bumati sa kanya, tinanong ko kung nakita nya ang class adviser namin, yun lang kase ang pakay ko sa ngayon. Gusto ko magreport sa kanya at alamin ang magiging sitwasyon ko about sa pag aaral ko. “uy Vanessa… asan si Maam Salameda?” tanong ko sa kanya. “maka Vanessa naman to oh.. vane na lang …siguro nasa canteen yun, nag-aalmusal siguro…gusto mo samahan kita?” sabay pa cute nya. “pero may klase kana diba?…salamat na lang Vanessa, pumasok kana sa room baka ma late kapa.” Sabi ko at nginitian ko na lang sya bago tuluyang umalis.

Nakasalubong ko naman si Maam Salameda sa may faculty room at binati ko sya, tumuloy kami sa desk nya, eksaktong si Mang Gustin lang ang nandun, ang matandang janitor sa school. “Maam, pasensya napo kayo kung hindi na ako nakapag paalam o nakapag pasabi man lang sa pag-absent ko ng matagal. Kinailangan ko po kasing umalis nun…..” medyo nailang ako sa tingin nya …kaya halos mabagal akong magsalita habang nagpapaliwanag. “Emmanuel…ang totoo nyan, ako at si Mrs. Siscar na principal naten ang mas nag-aalala sa nangyare sa Nanay mo maging sayo.

Nakikiramay kami sa’yo at sa kapatid mo. anuman ang mga namiss mong class ay nauunawaan ko, na open ko na rin ang topic na ito kay Maam Siscar at umasa kang tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya. So, kamusta na ikaw iho at ang ate mo?” paliwanag nya. “maayos naman po kami, sa ngayon po nasa bahay muna si ate ko…” pinilit kong maging okay at nginitian ko si Maam. “gusto ko pong ituloy ang pag-aaral ko, hindi man po ako matalino para maging scholar gusto ko pa rin pong mag-aral…kaya lang inaalala ko po ang sitwasyon namin” sabi ko kay Maam. “willing po akong maging janitor kagaya ni mang Gustin para may pang gastos ako… sanay po ako sa gawaing bahay lalo sa paglilinis” dagdag ko pa. natuwa naman si Maam at pinuri nya ang layunin ko. “Mamaya ay kakausapin ko si Mrs. Siscar tungkol sa napag-sapan naten,

makaka-attend kana ba ng klase Emmanuel?” tanong nya…”Maam hindi muna po ako papasok ngayon…” at pinutol na nya ang pagsasalita ko…” Huwag kang mag-alala, magpahinga ka muna since this week ay intramurals naman walang gaanong lectures. Be strong Emmanuel.” Sabi nya at sobrang natuwa ako, noon pa man ay may pakiramdam na akong mabuting teacher ang adviser namin kahit sinasabi ng ibang estudyante na istrikta daw sya sa klase.

Pumasok na si Maam sa room para sa klase, at ako naman ay nagpaiwan sa may hagdan, binalikan ko si Mang Gustin at kinamusta, tahimik lang si Mang Gustin kaya sinubukan ko kung makikipag kwentuhan sya. “Mang Gustin, totoo po ba yung mga kwento dito na may nagpapakitang white lady sa may auditorium?…” pero hindi man lang sumagot ang matanda…”ahmmm ay Mang Gustin, nanonood ba kayo ng mga movie, sa tagal nyo ng janitor, nasubukan nyo na bang sumakay sa walis nyo, yun bang kagaya sa….saan na nga ba yun…diba nakakalipad yung bida gamit ang walis…” sinusubukan ko kung kakagat si Mang Gustin sa pang batang kwento, sabi kase nila pag tumatanda daw ang tao, kadalasan nabalik sa pagkabata ang isip. Pero ayaw pa ring mamansin ni Mang Gustin, siguro balak na nya akong paluin ng dust pan nya kaya nagpaalam ako kahit alam kong di sya sasagot.

Magalang akong nagpaalam, susubukan kong hintayin si Mrs. Siscar para personal na humingi ng dispensa sa pag-absent ko, sa totoo lang hindi ko naman talaga pagkukulang ang mga nangyari pero gusto ko pa ring akuin yun dahil responsibilidad ko yun bilang estudyante at pinagkatiwala ko sa school na ito ang kinabukasan ko, yun ang paliwanag ko sa sarili ko. Nasa may pinto lang ako malapit sa may hagdanan … may paakyat na babae….napatingin ako sa baba…. Si…si Judith….tama…sya yung class president ng 4th year first section..

itutuloy…(oo nga totoo….itutuloy yan)