Na-realize ko bumyahe nga pala ako pero nasaan na ang bag ni Nanay? Sisigaw na sana ako at maghuhurumintado pero pagtingala ko nakita kong nakasabit sa tapat ng inpuan ng dalawang estudyanteng babae kanina. Nagmadali ko yung kinuha at bumaba. Tumigil muna ako at huminga ng malalim bago sumakay ng jeep. Mainit ang sikat ng araw kaya sa may gilid ako ng mga shops nag-abang ng masasakyan. Tsinek ko ang pera ko, hindi ako sanay magkaron ng ganitong kalaking halaga sa bulsa kaya minabuti kong bumili ng pasalubong kay ate Ruby. Inalis ko sa isip ko ang mga lungkot, pag-aalala at pagkalito sa maaring mangyari sa buhay namin mula ngayon.
Sumakay ako ng jeep bitbit ang isang kahong donuts. Dadaanan ko sya sa pinapasukan nya para ipagpaalam sa amo nya, mula ngayon kailangan ko ng maging mas malakas at mas matatag. Naalala ko ang mga huling pangungusap ni Nanay bago sya umalis. Siguro kaya ganun na lamang ang naramdaman ko sa mga yakap at mga sinabi nya….kase mawawala na sya sa amin. “anak, always take care of yourself ha, don’t worry a lot, that’s the secret of a happy life, wag kang mag-alangan sa mga gusto mo as long as alam mong tama ka”…napatungo na lang ako sa sahig ng jeep. Kailangan kong ayusin ang sarili ko para hindi malungkot si Nanay nasaan man sya, gusto kong ako ang maging inspirasyon ni ate Ruby para ipagpatuloy ang buhay namin ng maayos, ng may sapat na sigla.
Ilang kanto na lang at bababa na ako, pinunas ko ang luha sa mata ko at inayus ang buhok pati t-shirt para makita nya akong maayos na maayos. Pumara ako at mahinahong kumatok sa gate sa gilid ng building ng resto, ayaw kong sa bukana dumaan, si ate lang ang pakay ko at ang boss nya. Pagbukas ng pinto nasilip ko agad si Ate Ruby at nagmamadali syang lumabas para yakapin ako. Yakap yakap nya ako ng mahigpit at impit ang mga hagulhul nya ng iyak kasabay ang malayang agos ng luha. Mga luhang nag-uunahang umagos sa pisngi nya, mga luhang naghahanap ng kasagutan at mga hikbing nagtatanong kung nasaan na ang aming ina. Ayaw nya halos akong pakawalan, pilit man nyang pigilin ang mga hagulhul ay hindi nya ito magawa kaya hinayaan ko lang sya. Hindi ko sya pinatahan, hinayaan ko sya sa anumang nararamdaman nya. ramdam ko ang panghihina nya pero sinadya kong hindi sya patahanin, hindi dahil sa hindi ko sya gustong alalayan pero mas gusto kong maramdaman nya ang sakit para ma realize nya na kailangan naming magpalakas ng loob.
Mas matanda man sya sa akin, gusto ko pa ring isipin sa sarili ko na responsibilidad ko sya dahil lalaki ako at dahil mas concern ako deep in my heart hindi lang sa salita. Perhaps God always look at us, perhaps He himself is watching us at this very moment, that He wants us to be strong together not only for being brother and sisters but being His wonderful creation. Nauunawaan kong one way or another we will loose our love ones no matter what at yun kailangan naming tanggapin. After 20 minutes lumuwag na ang pagkakayakap nya at marahil lumuwag na rin ang kalooban nya pagkatapos nyang umiyak.
Pumasok kami at pinaupo ko sya saka ko pinunasan ang mamasa masa nyang pisngi ng luha. Ibinaba ko ang donut na pasalubong ko sa kanya at ang bag na tanging narecover ko sa lampas tatlong linggong paghahanap kay nanay. Nakatingin sya sa bag at lalo syang naiyak at kagaya ng ginawa ko kanina hinayaan ko lang sya. It’s one way of helping someone in pain. I will let her accept to herself na masakit talaga ang pinagdadaanan nya para masimulan nya ang proseso ng pagheal. “ bunso, iniwan naba talaga tayo ni nanay?…….” yun na lang ang nasabi ni ate Ruby at tuloy tuloy pa rin ang iyak nya. “hindi nya tayo iniwan ate, nandyan lang sya, siguro nagpapamiss lang sa atin, alam mo naman si nanay..” gusto kong pagaanin ang nararamdaman nya sa light na paraan.
Kumuha ako ng isang donut at sinubuan ko sya, kumagat naman sya kaya habang ngumunguya ay kumuha ako ng tisyu. “ang laki mo na ate, nag aamos ka pa kumain…kita mo nga yang nasa pisngi mo oh…” sinabayan ko ng ngiti at nagawa ko naman syang pangitiin. May pumasok na isang nasa edad 45 na babae magara ang suot, maaring sya ang may-ari ng resto, nagbigay galang ako sa kanya. “Kapatid ka ni Ruby diba?” tanong nya.” opo ako nga po an gang bunso nyang kapatid” sagot ko ng buong galang. “nakikiramay ako sa inyo, sa nangyari sa inyong ina…palagi na lang umiiyak si ate nyo pero wala naman kaming magawa kungdi palakasin ang loob nya at maghintay sa mga balita sa TV.” Sabi nya. mukhang mabait ang amo ni ate kaya nagpasalamat ako sa kanya sa mga tulong nya kay ate ko. Ipinagpaalam ko si ate Ruby sa amo nya na uuwi muna kami sa aming bahay na agad at malugod naman nyang pinayagan at nagpasabi pang anuman daw ang maitutulong nya ay magsabi lamang kami. Niyaya ko na si ate na umuwi.
Malapit na kami sa bahay ng matanaw ko si Mona.
itutuloy
inspirasyon ka tlga eloy..prang c ano ka lng..hhaha…..
miss you much….mwahhhhh
Sino Bless? hehehehe
Baka sya nga nagpapanggap lang….
prang c ano..kilala mo yun c boi___t…hahaha…
Shhhhh..sabi na sayo wag mo akong ibibisto eh..kapag yan nagwala sa Blog naku yari!