Presto! Sa pinaka unang upuan ako umupo, sa may likod ng driver sa tabing bintana. Gusto kong panoorin ang dadaanan namin dahil nung papunta ako dito, nakatingin nga ako sa paligid pero lumilipad naman ang isip ko tapos may nakaka distract pang chicks. Hmmmm…..teka nasaan na kaya sya ngayon, asan na kaya ang guardian angel ni manu?
Ngayon ko lang napansin na baligtad pala ang tshirt ko. Dyahe naman oh, pero pinanindigan ko na lang at kinalong ko ang bag.
. Binati ko ng malakas ang unang pumanhik na magtitinda. “aling mani! Good Morning!” ngumiti ang magkatabing estudyante sa tapat ko dahil magugulatin pala si ateng magtitinda ng mani kaya napasigaw din sya “ayyy mani! Maning nahulog!…juskong bata ka…bakit ka kase nanggugulat?” sabi ni ate. “ate, I didn’t make you gulat gulat noh, I just greet you! by the way give me some peanuts” hindi talaga ako tumatawa. “nakatingin lang sa akin si ateng magtitinda na parang nagtataka na nage-english ako.” C’mon ate, can’t you hear me? I said I want some of your mani…give me good for five bucks okay…”sabi ko at seryosong seryoso talaga ang mukha ko at alam kong nakatingin sa akin yung dalawang tsiks na estudyante habang nakaharap naman ako pasimple sa kalsada.
Inabutan ako ni ate ng isang supot na maliit na mani at dinukot ko ang wallet ko at maingat na maingat na hinugot ang sampung pisong papel. Sabay binulungan ko si ate. “ate lima lang yung mani diba?” tumango sya. “wag mo na ako suklian” at nagkangitian kami ni ateng magmamani. Umalis na ang bus at nagsimula akong manood sa nadadanan namin. Maberde at mapuno sa simula ng byahe, simple ang mga bahay pwera sa pailan ilang mga bahay na malalaki, siguro sa mga politiko o mga may ari ng mga taniman yun. Ibinaba ko ang bag ko sa katabing upuan kaya napansin kong nakatingin sa akin yung isang babae, nagkatinginan kami at natawa ako sa naisip kong trip.
Nagmukha akong iiyak na na todo nakagusot ang mukha ko. Talagang pinakatal ko pa ang baba ko at kunyaring pumapalahaw ako ng iyak pero walang sounds. Halos sasabog nako sa pagtawa sa ginagawa ko at nakikita kong napapasabay sya sa bawat pag-ngiwi ng mukha ko. Kinalabit nya ang kasama nya at dalawa na silang nakatitig sakin, tapos bigla akong umayos ng pwesto at kinuha ang mani. Tawa ng tawa ang dalawang estudyante. Pumasok ang sinasakyan naming bus sa isa na namang parang maliit na terminal kaya may nag-akyatan ulit na mga tindero at tindera.
Hindi ako gumagalaw na parang manikin kaya nag-aalangan naman akong alukin ng mga magtitinda pero may isang batang maglalako ng itlog pugo ang umagaw ng pansin ko. Parang robot naman ang kilos ko na humugot ng sampong piso at iniabot sa bata at inabutan naman nya ako ng isang plastic na itlog pugo. Titig na titig sa akin ang bata na animoy nalilito kung tao ba talaga ako. Umakyat na uli ang driver at umalis na ang bus. May maingay sa bandang likod ng bus. Hmmmm…may nakapasok at may kasakay kaming pastor daw. “ang sabi ng panginoon… ituring nateng mga kapatid ang bawat isa at damayan sa kanyang kahinaan…” ilang minuto pa at may kumakalabit na sa aking isang nakapolo na lalaki at iniaabot ang isang maliit na brown na sobre. Maayos ko namang inabot ang sobre, patuloy sila sa mga pangangaral nila at nakikinig naman ako ng maayos.
Tumayo ako sa gitna ng bus at pinanood ko ang ginagawa nila. May mamang nagsasalita “hindi naman yan totoong mapupunta sa mahihirap eh, paghahatian nyo lang yan.” Sabi nung isang lalaki at may ilan na napatawa. Bumalik ako sa pagkakaupo ko dahil nagsisimula ng mag-ikot ulit yung mamang nakapolo para kolektahin ang mga sobre. Hindi ko feel magbigay kaya binalik ko ang sobre ng walang laman. Napasimangot ang lalaki ng makapa nyang walang laman ang sobreng ibinalik ko. Nilibang ko ang sarili ko sa mga nadadaanan naming, ang ganda ng kalikasan. I took a deep breath and enjoy myself sa ganda ng paligid, binuksan ko ng bahagya ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Gumaan ang pakiramdam ko at parang nakaramdam ako ng antok kaya hinayaan ko lang ang sarili ko na makatulog.
“that’s cool Emmanuel… habang tumatagal ay mas lumilinaw na sa’yo ang buhay na nakalaan para sa’yo, your about to start your journey bilang ikaw. That’s what we called eternal energy. To get into the center of nature and keep yourself free kagaya ng hangin how it blows from east to west…sa ngayon, I could say na your doing it right. Keep it up.” Sabi ni Lord Right. I just loked at him, pinapanatag ko ang kalooban ko, ayaw kong magsalita ng kahit ano dahil alam kong palagi akong nagiging padalos dalos sa mga bagay bagay. “oh well that’s better idea iho, you’re quiet learning the law of listening to yourself. I just check you up, pag gising mo, another day of struggle but always bear to your mind that you are “Emmanuel”. Sabay tinapik nya ako sa balikat.
“saan ka boy?” terminal na huy!. Kasabay na tapik sa akin ng konduktor ng bus. Napamulagat ako at pilit iniisip kung nasaan ako. “ang bag ni nanay……..“
itutuloy….